Kampanya laban sa kurapsyon, nakatulong sa pagtaas ng tax cellection – BIR

Malaki ang naitulong ng kampanya laban sa kurapsyon ng adminstrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng nakokolekta buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Regional Office 1.

Ito ang inihayag ni Marlin Vicente, Revenue District Officer ng BIR Calasiao sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Ayon kay Vincente, malaking tulong rin ang kanilang mga isinasagawang programa upang mas mapataas ang tax collection ng ngayong taon.

 

Nabatid na umaabot sa mahigit apat ng bilyon peso ang target na tax collection ng BIR-Calasioa District Office ngayong taon kung saan mas mataas ito ng nasa labin limang porsyento kumpara noong nakaraan taon.

Speak Your Mind

*