Kaso ng kaso ng illegal fishing sa buong Region 1, bumaba na ayon sa BFAR

Bumaba na umano ang naitatalang kaso ng illegal fishing sa buong Ilocos Region batay sa tala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi Genesis Tadije, Legal Aid ng BFAR Region 1, na ito ay dahil sa pinaigting na RA 10654 o mas kilala sa act to prevent, deter and eliminate illegal, unreported and unregulated fishing.

Ang nasabing batas ay amyenda mula sa dating batas na Republic Act No. 8550, o “The Philippine Fisheries Code of 1998, kung saan sa ilalim ng RA 1064 ay mas pina-igting at binigyan ngipin ang nasabing batas.

Ayon kay Tadije, mula ng naipatupad ang RA 10654 ay halos wala nang naitatalang illegal fishing gaya ng paggamit ng dynamite o dilameta.

Kasama din umano sa sinabing illegal fishing ang pangingisda sa karagatan ng walang kaukulang permit, at hindi lisensyado ang bangka na kanilang ginagamit sa pangingisda.

Speak Your Mind

*