Kaso ng teenage pregnancy, tinutugunan din ng DepEd

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Region 1 na may mga program sila upang malaban ang tumaas na kaso ng teenage pregnancy.

Sa katunayan ay kasama pa umano sa Curriculum ng DepEd ang pagtuturo sa mga estudyante ng reproductive health upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV ng DepEd-Region 1 katuwang din ng kagawaran ang Population Commission (Popcom) sa pagtuturo, pamimigay ng leaflets at pagsasagawa ng forum hinggil sa teenage pregnancy.

Dahil sa sinasabing ang makabagong teknolohiya gaya ng mga gadget na isa sa nagiging dahilan ng early teenage pregnany, ipinapayo ng Kagawaran sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

 

Kasama rin umano sa gaganaping Regional Fiestival of Talent ng DepEd katuwang ang Popcom ang isang contest na may kaugnayan sa teenage pregnancy.

Speak Your Mind

*