Mahigit 200 mga barangay sa Pangasinan, idinaklarang drug free barangay

Umaabot na sa mahigit dalawang daan talumpong mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang idinaklarang Drug Free Barangay ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO batay sa report ng mga police station sa lalawigan katuwang ng mga Local Government Unit (LGU’S) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Nilinaw naman ni Candelario na mahigpit parin ang kanilang gagawing monitoring kahit na ang mga ito ang nadeklara ng drug free barangay.

Samantala, umaabot naman na umano sa limampung posyento sa mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang nagasawa ng random drug test bilang pakikiisa sa project digung ng PPPO bahagi sa kampanya kontra ilegal drugs.

Speak Your Mind

*