Mango industry, pinagka-kakitaan ng mga magsasaka sa Pangasinan

Umaabot na sa 9,700 ektaryang lupain sa lalawigan ng Pangasinan ang natatamnan ng mga punong mangga na kasalukuyang namumunga at pinapakinabangan ng mga mango growers.

Ito ang inihayag ni Violeta Laforteza, Supervising Agriculturist and Provincial High Value Crop Development  Program Coordinator sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Laforteza na sa ngayon ang mango industry sa Pangasinan ay isa sa may pinaka-malaking pinagka-kakitaan ng mga magsasaka sa lalawigan.

Kinikilala na rin umano ang mangga mula sa mga coastal areas gaya ng bayan ng Anda at Infanta sa Pangasinan na isa sa pinaka-matamis na mangga sa buong bansa.

Ngunit nilinaw naman ni Laforteza na sekreto rin kung bakit matamis ang bunga ng mangga ay kung aanihin ito sa tamang maturity o tamang hinog.

Speak Your Mind

*