Massive artificial insemination, paraan sa pagpaparami ng kalabaw sa Pangasinan

Patuloy ang isinasagawang massive artificial insemination ng Philippine Carabao Center (PCC) para sa pagpaparami ng magandang lahi ng kalabaw sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Reynaldo Paneda, Artificial Insemination Coordinator ng PCC na personal silang nagtutungo sa mga barangay upang suriin ang mga babaeng kalabaw.

Ang unang hakbang aniya bago sila magsagawa ng artificial insemination ay sinusuri ang pregnancy diagnosis kung saan kanilang tinitiyak kung buntis o nangangandi ang mga babae kalabaw.

Sinabi pa ni Paneda, sa pamamagitan ng artificial insemination ay nakatitiyak ang mga magsasaka na magiging maganda ang lahi ng kanilang alagang kalabaw dahil mas malaki at mabilis itong lumaki.

Sa ilalim ng artificial insemination, dalawang program ang nakapaloob dito, ito ay ang tinatawag na massive artificial insemination at on-call technician.

Speak Your Mind

*