Mga business establishment sa Dagupan, nakakasunod sa paglalagay ng ICC stikers

Nanatiling complient ang mga store owner sa lungsod ng Dagupan pagdating sa mga itinitindang mga christmas lights.

Ito ang inihayag ni Juanito Reyes, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Reyes na batay sa kanilang mga isinagawang monitoring halos lahat ng business establishment sa lungsod ay nakakasunod sa paglalagay ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker sa kanilang mga produkto.

Samantala, umaabot naman umano sa halos walumpong libong piso na halaga ng christmas lights ang kanilang nakumpiska sa isang tindahan sa bayan ng malasiqui dahil sa paglabag sa ipinapatupd na BPS Standards ng DTI.

Kabilang na umano dito ang walang proper bps indentification marks gaya ng ICC sticker at PS Mark.

Ang tinig ni Juanito Reyes, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*