Mga kawani ng PHO, siyamnapung porsyento nang sumailalim sa random drug testing

Nasa siyamnapung porsyento na ang sumailalim sa isinagawang random drug testing ng mga kawani ng Provincial Health Office (POH) bilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO na dahil random ang isinasagawang drug testing, may ilang kawani pa ang hindi natatapos dahil sa kanilang “busy schedule”.

Sa labing apat na Provincial Hospital ng Pangasinan, tatlong hospital na aniya ang natatapos sumailalim sa random drug test sa kanilang mga empleyado.

Sa ngayon, wala pa naman aniyang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga empleyado ng PHO.

Samantala, pinaghahandaan na umano ng PHO ang maaaring itulong sa programa ng PNP sa mga isinasagawang rehabilitation ng mga sumukong drug personality.

Speak Your Mind

*