NBI, nagpaalala laban sa mga text scam na laganap ngayong christmas season

Nagpaalala na sa publiko ang mga otoridad laban sa mga text scam na kulakalat ngayong papalapit ang christmas season.

Ayon kay Fabienne Matib, Senior Agent ng National Bureau of Investigation (NBI) dagupan, huwag magpaloko kapag may natatanggap ng mga kahina-hinalang mensahe lalo na kung hindi kakilala.

Aniya, upang matiyak na lihetimo ang natanggap na text, i-verify muna sa Department of Trade and Industry (DTI) kung ito ay may DTI permit para sa promo.

Dagdag pa ni Matib na upang hindi maloko ay huwag na itext back ang mga nagpapadala ng mga text scam.

Aminado rin ang NBI na mahirap matukoy ang pinagmulan ng mga text messages na laganap ngayong panahon ng kapaskuhan.

Speak Your Mind

*