NMIS, tuloy sa pagmomonitor sa mga karne na ibinibenta sa mga pamilihan

Tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring ng National Meat Inspection Service (NMIS) Regional Office 1 katuwang ang mga lokal na pamahalaan para mabantayan ang mga ibinibentang karne sa mga pamilihan.

Bahagi ito sa program ng NMIS na masunod ang mga polisiyang nakapaloob sa proper handling of newly slaughtered meat upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director na ilang bayan at syudad na sa Pangasinan ang kanilang inikot kung saan ang ilan dito ay nakitaan nila ng ilang paglabag.

 

Iginiit pa ni Oblena na lahat ng uri ng karne na hindi nagdaan sa tamang proseso o inspection ay maituturing nang bocha na mahigpit na ipinagbabawal ibenta sa mga pamilihan.

 

Ang tinig ni Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*