“No Collection Policy” sa mga christmas party, ipinatupad ng DepEd

Nagpaalala ngayon Department of Education (Deped) sa mga paaralan na mahigpit na ipinatutupad ang “No Collection Policy” sa pagsasagawa ng christmas party ng mga estudyante.

Ayon kay Rosario Cabrera, Assistant Superintendent ng Deped Urdaneta na maaari namang gawing simple pero makabuluhan ang gagawing christmas party ng mga estudyante.

Sa ilalim aniya ng Deped Order 1014 series of 2009 maari dito ang voluntary contrubution o kaya ang pagtanggap ng donation cash or in kind.

Sakali naman umanong hindi maiwasan na magkaroon ng contribution ay dapat dumaan ito sa pag-uusap sa pagitan ng mga guro at mga magulang o PTA Association.

Kung magkakaroon naman aniya ng exchange gift, dapat hindi lalampas sa p200 ang gagastusin rito.

Speak Your Mind

*