“Oplan Kapaskuhan” na ipapatupad ng PDRRMO ngayong yulitide season, kasado na

Kasado na ang “Oplan Kapaskuhan” na ipapatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ngayong darating na yulitide season.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO na partikular nila ditong babantayan ang Lingayen Beach.

Ayon pa kay Arenas, inaasahan na nila na kapag nararanasan na ang hanging amihan ay lumalaki na ang alon sa dagat na delikado sa ng mga beach goers.

Dahil dito, nakaantay na umano 24 oras ang kanilang Water Search and Rescue (WASAR) team, upang mabantayan ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, mahigpit narin naman umanong ipinapatupad sa Lingayen Beach ang 6 o-clock pm No Swimming Policy, dahil sa oras na ito malakas ang under water current na posibleng maging sanhi ng pagkalunod.

Speak Your Mind

*