“Oplan pagbabago”, ipinapatupad ng San Jacinto PNP para sa mga drug surrenderees

Umabot na isandaan tatlumpot walo ang bilang ng mga drug surrenderees ang naitala ng San Jacinto Police Station simula ng mahigpit na ipatupad ang kampanya kontra ilegal na droga.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni PSI Fernando Abico, Officer-in-Charge ng San Jacinto Police Station na ito ay dahil sa pina-igting na Operation Tokhang.

Sa nasabing bilang, isandaan dalawamput dalawa umano rito ay mga drugs user habang labin apat rito ay mga pusher.

Tuloy-tuloy naman umano ang mga program ng PNP para sa mga sumukong mga sangkot sa ilegal drugs kabilang na rito ang kanilang mga isinasagawang community service, tree planting at clean up drive sa ilalim ng kanilang programa na “Oplan Pagbabago”.

Speak Your Mind

*