“Oplan paputok” ng Pangasinan PNP, mahigpit na ipapatupad

Tiniyak ang Pangasinan Polic Provincial Office (PPO) na mahigpit nilang binabantayan ang mga ipinagbabawal na paputok lalo na sa pagsapit ng bagong taon.

Ayon kay PC/Insp Demosthenes Magnaan, Acting Chief of Police Community Relation Officer ng PPPO, handa nilang kumpiskahin ang malalakas na paputok lalo na kung ito ay walang permit.

Ang unang hakbang aniya na kanilang ginagawa ang sinusunog ang mga nakumpiskang paputok upang hindi na mapakinabangan.

 

Sinabi pa ni Magnaan na ang kanilang hakbang ay upang matiyak na magiging payapa ang pagseselebra ng pasko at pagsalubog sa bagong taon.

Kasabay nito, siniguro rin ng PNP na mas hihigpitan nilang ang pag-i-isyu ng permit alinsunod sa kanilang ipapatupad na “Oplan Paputok”.

Speak Your Mind

*