P250 milyon na uutangin ng Pangasinan, para ipambibili ng mga hospital equipment

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang planong pag-utang ang Provincial Government ng p250 milyon sa Land Bank of the Philippines.

Ito ay para magamit sa pagbili ng mga karagdagang kagamitan sa mga pampublikong hospital.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan, kung pagbabasihan ang bed capacity rate ng mga hospital sa probinsya ay halos tumaas na ito sa tatlong daang hanggang apatna raang porsyento.

Gaya na lamang umano sa Pangasinan Provincial Hospital sa lungsod ng San Carlos kung saan ang kanilang authorized bed ng Department of Health (DOH) na 150 bed capacity, pero ngayon ay umaabot na ito sa 600 bed capacity.

Nangangahulugan aniya na kailangang-kailangan na ang pondo sa pagbili ng mga karagdagang mga hospital equipment.

Speak Your Mind

*