Pagawaan ng paputok, maagang inspeksyon ng BFP-Dagupan

Nagsagawa na ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection o BFP sa pagawaan ng paputok sa lungsod ng Dagupan bago pa mang mag-aplay ng permit ang mga ito.

Ito ang inihayag ni SFO1 Rubier Solar, Chief of Fire Safety Inforcement Unit ng BFP-Dagupan sa isinagawang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas KBP-Forum.

Ayon pa kay Solar, makapag-comply naman aniya sa ipinapatupad na fire safety requirment ng BFP ang nag-iisang paggawaan ng paputok sa Dagupan.

Simula aniya Nobyembre a-uno ay sinimula na nila ang pagbibigay babala sa publiko sa pamamagitan ng fire prevention upang maiwasan ang sunog ngayon holiday season.

 

Aminado ang BFP-Dagupan na posibleng may gumagawa ng illegal na pagawaan ng paputok sa lungosd dahil sa kanilang tala, iisa palang ang  nakarehisyong pagawaan ng paputok.

Dahil dito, tiniyak ni SFO1 Rubier Solar, Chief of Fire Safety Inforcement Unit ng BFP-Dagupan na mas maghihigpit sila sa pagmomonitor sa mga magtitinda ng paputik.

Sisiguraduhin umano nila na ang lahat ng magtitinda ng paputok ay nasa itinalagang firecracker zone.

Speak Your Mind

*