Pagkakahuli kay Ronnie Dayan, isang welcome development sa Malakanyang

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakaaresto kay Ronnie Dayan ang driver/bodyguard na karelasyon ni Senador Leila de lima sa La Union kaninag umaga.

Itinuro si Dayan na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa noong kalihim pa ng Department of Justice si De Lima.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Ana Marie Banaag, umaasa sila na ang pagkakahuli kay Dayan ang siyang magbibigay daan para lumabas ang katotohanan kaugnay sa sindakato ng droga na mayroong operasyon sa loob ng National Bilibid Prison.

Binigyang diin ng Palasyo na magiging susi si Dayan para maparusahan ang mga sangkot na personalidad kaugnay sa illegal na droga.

Speak Your Mind

*