Pagsikip ng lansangan, inaasahan na ng Pangasinan PNP ngayong christmas season

Inaasahan na ng Pangasinan Polic Provincial Office (PPO) ang pagsikip ng lansangan o ang pagkakaroon ng traffic congestion sa lalawigan ng Pangasinan ngayong christmas season.

Ito ayon kay PCI Demosthenes Magnaan, Acting Chieft of Police Community Relation ng PPPO ay dahil sa pag-uuwian ng mga tao na bibisita sa pangasinan mula sa ibat-ibang karatig lalawigan.

Maliban dito, pinaghahandaan narin umano ng PNP ang siguridad ng publko na magtutungo sa mga matataong lugar gaya ng mall, palengke, terminal at simbahan.

 

Dahil dito, matuloy naman ang isinasagawang information dissemination upang bigyang babala at turuan ng publiko na hindi mabiktima na mga masasamang loon lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Speak Your Mind

*