Pagtanggal ng pedestrian line, isinusulong sa bagong traffic ordinance ng Dagupan

Pinag-aaralan na ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan ang pagpataw ng mas mataas ng multa sa mga lalabag sa ipinapatupad na batas trapiko sa lungsod.

Sa katatapos lang na traffic experiment na ipinatupad sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod, nakita nila ang mga dapat ipatupad sa isinusulong na bagong traffic ordinace.

Sinabi ni Carlito Ocampo, POSO Officer ng Dagupan na bukod sa pagpataw ng mas mataas na multa sa mga traffic violator, pinaplano na rin ang pagbawas sa mga pedestrian line sa ilang kalsada sa Dagupan.

Ito ay dahil nawawalang-saysay umano ang mga ikinabit na traffice light at mga signages na dahil sa dami ng mga pedestrian line ay nagiging problema rin ang pagsunod sa mga loading at unloading zone.

Ngunit sinabi naman ni Ocampo na para mas maging epektibo ang pagresulba sa problema sa trapiko ay disiplina ng bawat isa ang dapat pairalin.

Speak Your Mind

*