Pagtatanim puno ng Ilang-Ilang sa Pangasinan, mas pinalawak

Mas pinalawak pa ang pagtatanim puno ng ilang-ilang sa ikalawang distrito ng pangasinan sa layung makamit ng bansa ang capital of the world sa paggawa ng Ilang-Ilang Essential Oil.

Bukod dito layunin din ni 2nd District Cong. Leopoldo Bataoil na mabigyan ng kabuhayan ang mga pangasinense at makatulong upang maibsan ng problema sa climate change.

Sa ngayon, naabot na ng proyekto ang mga bayan ng Aguilar, Bugallon at Mangatarem sa pamamgitan ng pagtatanim ng seedlings.

Inaasahan na ang malawakang ilang-ilang planting project ay makakakahabol sa target na 1,000 ektarya sa taong 2017.

Nabatid na ang pagtatanim ng ilang-ilang sa pangasinan ay proyektong isinusulong ni Cong. Bataoil katuwang si Fred Reyes na may-ari ng Chemworld, ang isa sa mga pangunahing perfume distributors sa bansa.

Speak Your Mind

*