Pagwasak sa Endo, hindi makakabuti sa mga namumuhunan – ECOP

Naniniwala ang samahan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Region 1 na hindi tuluyang makakabuti sa mga mamumuhunan ang ipapatupad na pagwasak sa endo “End of Contract o kontrakwalisasyon.

Ito ang inihayag ni Salvador “Ed” Poserio, President ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Kalimitan umano sa mga namumuhunan ay nag-a-out-source sa mababang operational expenses kayat pumapasok sila sa mga labor contracting na bahagi ng endo.

Bukod pa umano sa mga negosyo na project base na hindi maaaring iregular ang mga manggagawa.

Sinabi pa ni Poserio na ang karaniwang umaaboso sa pagpapatupad ng endo ang mga nogosyante na nasa general services kung saan iniiwasan nila ang pagkakaloob sa mga manggagawa ng ibat-ibang social benefits.

Speak Your Mind

*