Pamunuan ng TV series na Till I Met You, ipinapatawag ng MTRCB

Ipinapatawag ng Movie Television Review and Classification o MTRCB ang pamunuan ng TV series na ‘Till I Met You dahil sa kontroberyal na love scene ng mga bida nito na sina James Reid at Nadine Ilustre .

Maliban sa October 25 episode kung saan may love scene ang karakter ng real life couple, may mga nagreklamo rin daw sa October 27 at 28 episode nito kung saan may bathtub scene din ang dalawa.

Ito ay kahit na “Parental Guidance” lamang ang nakalagay na MTRCB Classification sa nasabing episode.

Una nang nag-viral sa social media ang love scene ng JADINE sa nasabing palabas.

Sa November 10 naman naka-set ang pulong ng MTRCB sa pamunuan ng Till I Met You.

Speak Your Mind

*