Pangasinan PNP, ginagawa ang trabaho para sa ikadarakip ni Ronnie Dayan

Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na ginagawa nila ang kanilang trabaho para sa ikadarakip ng dating driver-body guard at nakarelasyon ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Si Dayan ay wanted ngayon sa batas matapos mabigong sumipot sa pagdinig ng Kamara dahil siya ang itinuturong nangolekta ng pera mula sa mga inmates sa Bilibid para kay De Lima.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO, sinuyod na ng pulisya ang bahay ng kapatid nito sa Bacnutan, La Union at sa bahay ng isa nitong kapatid sa Mangatarem.

Sa pamamagitan umano nito ay mas nakakakuha sila ng iba pang mga impormasyon sa mga ka-anak ni dayan.

Hindi naman isinasara ni Candelario ang posibilidad na sa lalawigan ng Pangasinan nagtatago si Ronnie Dayan.

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO

Speak Your Mind

*