Pangasinan, tumanggap ng pagkilala bilang National Quality Corn Acheviers Awards

Muling tumanggap ng pagkilala sa ikatlong pagkakataon ang Office of Provincial Agriculture (OPAG) mula sa Department of Agriculture (DA) bilang National Quality Corn Acheviers Awards.

Ito ayon kay OPAG Officer Dalisay Moya, ay ginanap sa Koronadal City, South Cotabato noong Nobyembre 16, 2016 kung saan ang Pangasinan ang isa sa limang probinsya na tumanggap ng nasabing award.

Sinabi naman ni Moya na bukod na natanggap na plake nang pagkilala, ay nakapag-uwi rin ang probinsya ng P3 milyong halaga ng mga proyerto na may kaugnayan corn development.

Tiniyak naman ni Moya na ilalagay ang nasabing halaga sa mga proyekto na lalong magpapaunlad sa corn industry sa Pangasinan.

Bukod sa palay, ang mais ang maituturing na pangalawa sa pangunahing produktong agrikultura na nai-proprodyus ng lalawigang Pangasinan.

Speak Your Mind

*