Pangingisda ng walang permit, mahigpit na ipinagbabawal ng ayon sa BFAR

Muling nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Regional Office 1 sa mga mangingisda na mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda ng walang kaukulang permit.

Ito ang inihayag ni Genesis Tadije, Legal Aid ng BFAR Region 1, ay dahil sa pinaigting na R.A 10654, section 86 o mas kilala sa tinatawag na unauthorized fishing.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Tadije na sa ilalim ng nasabing batas lahat ng mga mangingisda maliit man o nasa commercial fishing vessel ay kailangang kumuha ng permit.

Dagdag pa ni Tadije na binigyan din ng pangil ang nasabing batas, kung saan ang mahuhuling lumabag ay papatawan ng mas mataas na multa, mula sa dating P5,000 ngayon ay aabot na sa P20,000 – P50,000 at posibleng umabot pa nang hanggang sa P1 – P5 milyon.

Ngunit pinapayagan naman aniya ng batas kung ang maliliit na mangingisda ay mangingisda lamang para sa daily food sustenance o sa pang araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.

 

Ang tinig ni Genesis Tadije, Legal Aid ng BFAR Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*