Pangulong Duterte, mainit na sinalubong sa Pangasinan

Mainit na sinalubong ng mga taga-Pangasinan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagdating sa bayan ng Sual, Pangasinan kahapon.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang send-off ceremony sa labing pitong Vietnamese fishermen na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Nanguna sa pagsalubong sa pangulo sina Pangasinan Governor Amado I. Espino III, Vice Governor Ferdinand Calimlim, sual Mayor Roberto Arcinue at iba pang opisyal sa lalawigan.

Matapos ang talumpati ng pangulo, kaniya pang hinintay na makasakay sa kanilang fishing vessels ang mga dayuhan.

Bago umalis ang mga Vietnamese ay pinabaunan ang mga ito ng Office of the President at ng DSWD ng mga pagkain, krudo, at damit na makakasapat sa kanilang biyahe.

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang Vietnamese Ambassador to the Philippines na nagbigay pa ng mensahe ng pasasalamat.

Speak Your Mind

*