PENRO, iginiit na tungkulin ng bawat isa na protektahan ang kalikasan

Tungkulin ng bawat isa na protektahan at panatilihin ang ganda ng kalikasan.

Ito ang iginiit ni Geofel Soriano, Planning Officer I ng Provincail Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Pangasinan sa panayam ng sonshine radio.

Kasabay nito, hinikayat ni Soriano ang publiko na makiisa sa mga isinasagawang tree planting activity ng ahensya dahil ang mga nararanasang mga pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng epekto ng climate change.

Upang mapangalagaan aniya ang kalikasan, dapat isulong ng publiko ang 3R o reduce, reuse and recycle, at pagtangkilik sa energy conservation.

Dagdag pa ni Soriano na wala nang ibang magtutulungan kundi kapwa Pilipino, kayat mahalaga ang pagkakaisa para mapangalagaan at makamit ang tunay na ganda ng kalikasan.

Speak Your Mind

*