Posibilidad na pagtama ng malakas na lindol, hindi isinasantabi ng OCD-Region 1

Hindi isinasantabi ng Office of Civil Defense (OCD) Regional Office 1 ang posibilibad na tumama ang malakas na lindol na bansa gaya ng nararanasan ngayong mga pagyanig sa ibat-bang bahagi ng mundo.

Ayon kay Ferdie Lazaro, Deputy Regional Director ng OCD, patuloy ang kanilang paghahanda lalo nat may binabantang Manila Trench na anumang oras ay maaari umanong gumalaw.

Bukod dito, pinaghahandaan rin umano ang ahensya ang tinatawag na “The Big One” na posibleng tumama sa Metro Manila na posibleng makaapekto hanggang sa rehiyong uno.

Kabilang naman aniya sa mga ginagawang paghahanda ng OCD ang isang malawakang earth quake drill na lalahukan ng apat na probinsya sa rehiyon na gaganapin sa huling quarter ng taong 2017.

Speak Your Mind

*