Produksyon at presyo ng bangus sa Dagupan, apektado na ng malamig na panahon

Apektado na ang produksyon at presyo ng bangus sa lungsod ng Dagupan bunsod ng unti-unting paglamig ng panahon dala ng nararanasang hanging amihan.

Ayon kay Emma Molina, City Agriculturist ng Dagupan City, kapag malamig ang pahaon ay humihina ang metabolism kayat wala silang ganang kumain dahilan para mabagal din ang kanilang paglaki.

Bunsod nito, apektado rin ang suplay ng bangus sa merkado na nagresulta ng unti-unting pagtaas ng presyo nito.

Sa ngayon, nasa P105 hanggang P110 ang kada kilo ng bangus mas mataas kumpara noong nakaraang buwan.

Iginiit naman ng Dagupan City Agriculturist na sa buwan pa ng Pebrero hanggang Marso mararamdaman ang epekto ng malamig na panahon sa produksyon ng bangus.

Speak Your Mind

*