Proper sanitation, tiniyak na tututukan sa foodstrip ng Dagupan

Tiniyak ng City Health Office (CHO) na dadaan sa proper sanitation ang lahat ng mga food stall sa foodstrip ng lungsod ng Dagupan bahagi sa selebrasyon taunang City Fiesta.

Ayon kay Marlon Quebral, hepe ng Sanitation Division ng Dagupan na mahigpit ang kanilang pamantayan sa pag-iisue ng health card permit  upang matiyak na malinis ang mga pagkaing ibibenta rito.

Sinabi pa ni Quebral na lahat ng mga tindera ay dapat dumaan sa medical examination at dapat lahat ng mga food stall ay may sariling waste segregation.

Regular din umanong mag-iikot kada hapon ang mga kawani ng sanitation division ng Dagupan upang matiyak kung nakakasunod sa proper sanitation.

Speak Your Mind

*