Publiko, pinag-iingat laban sa pekeng gamot sa merkado

Nagbabala ang Food and drug Administration o FDA sa naglipanang mga pekeng gamot sa merkado.

Kasunod ito ng nadiskubreng pekeng dolfenal, tuseran forte, diatabs, alaxan at neozep.

Ayon sa FDA, hindi nagkakalayo ang peke at tunay na gamot kaya mahirap malaman ng isang consumer kung totoo o counterfeit ang gamot.

Dahil dito, pinayuhan ng FDA ang publiko na bumili lamang ng gamot sa mga kilalang botika.

Sinabi ng FDA na ang pag-inom ng peke o hindi rehistradong gamot ay lubhang peligroso sa kalusugan.

Speak Your Mind

*