Rehabilitasyon sa mga pumping station, patuloy na isinasagawa ng DCWD

Inaasahang mas gaganda na ang serbisyong maibibigay ng Dagupan City Water District sa mga residente ng barangay Malued dahil tapos na ang isinagawang rehabilitation ng Malued Pumping Station.

Ito ang inihayag ni Marge Lucena Navata, Public Relation Officer ng Dagupan City Water District, bilang sagot sa ilang reklamo na mahinang pressure ng tubig.

Sinabi naman ni Navata, naka-apekto rin sa paghina ng pressure ng tubig sa bahagi ng Barangay Malued ay ang pagpalya dahil sa nakitang buhangin sa Pogo-Lasip Pumping Station.

Samantala, patuloy naman umano ang kanilang ginagawang rehabilitasyon sa mga pumping station dahil batid umano nila na may kalumaan na ang mga ito.

Tuloy-tuloy din umano sa paghanap ng lugar na paglalagyan ng mga balon ang DCWD upang maabot na ang kanilang serbisyo sa mga island barangay ng Dagupan.

Speak Your Mind

*