Rehabilitation Program ng DA sa mga sinalanta ng bagyo, tuloy na

Umaabot na sa 26,000 ektaryang sakahan sa buong rehiyon uno ang sumasailalim ngayon sa rehabilitation program ng Department of Agriculture (DA) mula sa pinsala ng nagdaang Bagyong Karen at Lawin.

Ito ang inihayag ni Dr. Gilbert Rabara, Pangasinan Research and Experimental Center Chief – DA Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Rabara, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng High Yielding Technology Adoption (HYTA) o ang pamamahagi ng high breed seed at high quality seeds o mga certified seeds.

Sa kabuuan pumapalo na umano sa 42,064 ektaryang sakahan ang natulungan ng HYTA sa kasama na rito noong panahon ng dry croping season.

Kabilang naman aniya ang mga bayan ng Villasis, Asingan, Mananoag, at lungsod ng Urdaneta sa may pinakamalaking pinsala at nabigyan ng ayuda ng DA-Region 1 sa lalawigan ng Pangasinan.


Ayudang ibinibigay ng DA Region 1 sa mga magsasaka, hindi lang sa rice seeds

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) Region 1 na hindi lang rice seed ang ayudang ibinibigay ng ahensya sa mga magsasaka na sinalanta ng bagyong Karen at Lawin.

Sa panayam ng DZRD kay Dr. Gilbert Rabara, Pangasinan Research and Experimental Center Chief – DA Region 1, sinabi nito na bukod sa rice seeds mayroon din silang corn seeds assistance ng mga magsasaka.

Maliban dito, libre din umanong namamahagi ang da ng binhi ng mga high value crop partikular na sa binhi ng manggo.

Prayoridad naman umano dito ang magsasaka na nasa rainfed area o yung hindi naaabot ng irrigasyon kung saan sa halip na palay ang kanilang itanim sa second crop ay mga gulay o mais na lamang ang kanilang itinatanim.


Ibinibigay na machinery sa mga magsasaka sa Pangasinan, double na sa susunod na taon

Umabot na sa 30 unit ng 4 wheel tractor ang naipamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka o farmers association sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Dr. Gilbert Rabara, Pangasinan Research and Experimental Center Chief – DA Region 1, ay dahil ang agriculture area ng Pangasinan umaabot sa animnapong porsyento sa buong Region 1.

Sinabi pa ni Rabara na bukod sa 4 wheel tractor, umaabot narin sa 60 unit ng mga hand tractor ang naipamahagi sa mga magsasaka sa lalawigan.

Asahan naman umano na mas malaki pa ang ayudang matatanggap ng mga magsasaka sa probinsya sa taong 2017, kung saan may nakalaan na umanong aabot sa 94 unit ng 4 wheel tractor at 133 unit ng hand tractor ang ipapamahagi sa mga magsasaka.

Tiniyak naman ng DA na dadaan sa mahigpit na monitoring at evaluation ang samahan ng magsasaka na mapipiling mabigyan ng nasabing mga machinery na magagamit sa kanilang pagsasaka.

Speak Your Mind

*