Ronie Dayan, itinanggi  ang umanoy may protektor na nagtago sa kaniya

Mariing itinanggi ni Ronie Dayan, dating driver-bodyguard at lover ni Senador Leila De Lima na may isang politiko umano mula sa Northern Luzon ang nagkanlong o protektor na nagtago sa kaniya.

Sinabi ni Dayan na kusang loob siyang nagtago sa malayong barangay ng San Juan, La Union simula nang pumutok ang isyu kaugnay sa ilegal na droga.

Sa katunayan, walang siyang kasama sa bahay kubo na nakatayo sa lupa ng kanyang tiyuhin at tanging pagtatanim ng gulay ang kanyang ginagawa para may makain.

Naaresto lang umano siya ng mga otoridad dahil nasukol na siya at wala nang matakbuhan sa masukal na bundok na La Union.

Kasabay nito, inamin narin ni Dayan ang pitong taong naging relasyon nito kay Sen. De Lima, ngunit kanila na itong tinuldukan noong 2014.

Speak Your Mind

*