Ronnie Dayan, arestado na!

ronnie-dayanArestado na ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang sinasabing dating driver-bodyguard at lover ni Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa lalawigan ng La Union.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) La Union, Provincial Police Office (PPO) La Union, PPO Pangasinan at Bacnotan Police Station, nahuli si Dayan kanilang alas-11:30 ng umaga sa Sitio Turod, Brgy. San Felipe, sa bayan ng San Juan, La Union.

Agad namang dinala si Dayan sa La Union PPO para sa kaukulang disposisyon.

Sinasabing si Dayan ang missing link hinggil sa koneksyon ni Senadora de Lima sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons o NBP.

Speak Your Mind

*