San Carlos City at Malasiqui, may pinaka-mataas na produksyon ng mangga

Nananatili ang lungsod ng San Carlos at bayan ng Malasiqui sa may pinaka-mataas na produksyon ng mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni Elpidio Ignacio, Agriculture Technologist ng Provincial Agriculture Office, san Quintin Field Station sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Kasabay nito, kinumpirma naman ni Ignacio na sa bayan ng Infanta matatagpuan ang pinaka-matamis na mangga sa lalawigan.

Malaking factor umano rito ang tamang pag-aalaga ng mga pananim na mangga at ang uri ng lupa, kung saan halos lahat aniya ng uri ng prutas sa western pangasinan ay matatamis gaya ng pakwan.

Nangunguna parin naman umano sa uri na mangga meron ang pangasinan ang tinatawag na sweet elena isang uri ng carabao mango.

Ang tinig ni Elpidio Ignacio, Agriculture Technologist ng Provincial Agriculture Office, San Quintin Field Station sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*