Sen. De Lima, pinabulanang tumanggap ng P8 million drug money

Pinabulanan ni Sen. Leila de Lima na sya ay tumanggap ng walong milyong pisong drug money mula kay Kerwin Espinosa na itinuturong drug lord ng Eastern Visayas.

Ang pahayag na ito ni De Lima matapos aminin ni Sen. Many Pacquiao na inamin ni Kerwin na kasama ang senadora sa ilang opisyal ng pamahalaan na tumatanggap ng drug money mula sa kanya.

Ayon kay Sen. De Lima paano sya tatanggap ng drug money kay Kerwin gayong hindi nya kilala si Kerwin maging ang sinuman sa kanyang pamilya.

Paliwanag pa ni de lima, bahagi pa rin ito ang demolition job ng kasalukuyang administraston na idindawit umano sya sa operasyon ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.

Nanawagan naman si de Lima sa mga kapwa senador sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng senado sa Espinosa slay bukas, na maging professional at huwag dagdagaan ang kahihiyang dinaranas sa kasalukuyan.

Dadalo rin umano ang senadora sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa Espinosa slay.

Speak Your Mind

*