Stocks market ng bansa, bahagyang matamlay sa pagbubukas ngayong araw

Bahagyang matamlay ang performance ng stock market sa pagbubukas nito ngayong araw.

Ayon sa mga stocks analysts, inaasahan na ang nasabing market performance lalo’t nasa “wait-and-see attitude” ang mga investors sa napipintong pag-upo sa puwesto ni US President-Elect Donald Trump .

Sa early trading, nagtala ng 0.30 percent loss ang Philippine Stock Exchange Index sa 6,958.39 points.

Bahagya namang lumakas ang palitan ng piso sa dolyar sa p49.79 opening trade.

Speak Your Mind

*