Talakitik, nangungunang peste na tumatama sa mga mangga sa Pangasinan

Nangunguna parin ang mango leafhopper o talakitik isang uri ng peste na sumisira sa mga pananim na mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinumpirma ito ni Marivic Blanco, Market Specialist I, Sta. Barbara Field Station ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Dagdag pa ni Blanco na karaniwang umaatake ang talakitik sa pagsisimula pa lamang ng pamumulaklak ng mangga.

Dahil dito, ipinapayo ng opisyal na ugaliin ang paglilinis ng paligid ng manggahan dahil dito karaniwang namamahay ang mga talakitik.

Hindi aniya nila ipinapayo ang paggamit ng mga pestisidyo lalo na kung nasa flowering stage palang ang mga mangga dahil maaaring masira rin ang bunga nito.

 

Sa ngayon, nananatili parin ang lungsod ng San Carlos at bayan ng Malasiqui sa may pinaka-mataas na produksyon ng mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*