Teenage Pregnancy, sentro ng mga isinasagawang AHYD ng Popcom

Naka-focus sa isinasagawang Adolescent Health and Youth Development (AHYD) Program ng Dagupan City Population Office ang mga kaso ng teenage pregnancy.

Ito ang inihayag ni Dr. Kim Paras, city Population Program Officer IV sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni paras na isa sa Adolescent Health and Youth Development Program ay ang tinatawag na Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS).

Lahat aniya ng mga Population Officer ay umiikot sa ibat-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan upang ipaalam ang resulta ang YAFS at bigyang babala ang mga kabataan sa teenage pregnancy.

Nabatid na isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa ngayon ay ang mga makabagong teknolohiya gaya ng social media.

——

Population Office ng Dagupan, bukas na para sa mga gustong magparehistro sa mass wedding

Bukas na umano ang tanggapan ng City Population Office ng Dagupan para sa lahat ng gustong magparehistro sa mass wedding na gagawin sa susunod na taon.

Ayon kay Dagupan City Population Program Officer IV Dr. Kim Paras, bahagi na sa programa ng city government ang pagsasagawa ng mass wedding.

Dagdag pa ni Paras na dahil sa susunod na taon ay magseselebra ang lungsod ng Dagupan sa ika-70th Year Founding Anniversary, target sa isasagawang mas wedding ang aabot sa 200 couples na pawang residente ng syuidad.

Hindi naman umano nawawala sa kanilang isinasagawang free marriage counceling and seminar kasama na rito ang pagtalakay sa ibat-ibang isyu gaya ng marriage and relationship, responsible parenthood and family planing method, at ang stress management.

Ang tinig ni Dr. Kim Paras, City Population Program Officer IV sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*