U.S President-Elect Trump, gustong kumalas sa TPP

Kakalas si U.S President-Elect Donald Trump sa Trans-Pacific Partnership Trade Deal oras na maupo sa pwesto.

Matatandaang noong panahon ng kampanya ay sinabi na ni Trump na ayaw niya sa TPP.

Ani Trump, ang nasabing TPP ay “greatest danger” para sa Amerika.

Ang TPP ay pinirmahan ng labindalawang bansa para sa apatnapung porsyento ng ekonomiya ng mundo.

Ayon naman kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, mawawalan ng saysay ang TPP kung wala ang Amerika.

Speak Your Mind

*