Xian lim, itinangging pinagbabawalan si Kim Chui na mainlove muli kay Gerald Anderson

Itinanggi ng aktor na si Xian Lim na binalaan niya ang ka-love team na si Kim Chui na huwag itong mai-inlove muli sa dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Ito ay dahil sa muling magsasama sa isang teleserye ng dating magkarelasyon at magka-love team na mas kilala bilang “Kimerald”.

Ayon kay Xian, hindi sila nangingialam sa desisyon ng bawat isa kapag patungkol sa trabaho.

Proud din si Xian kay Kim sa pagtanggap nito sa teleserye na kasama si Gerald.

Samantala, kung si Kim ay itatambal muli kay Gerald, si Xian ay may bago ring kapareha sa susunod niyang proyekto na si Coleen Garcia.

Speak Your Mind

*