Kahalagahan ng Negosyo Center, iginiit ng DTI-Pangasinan

Binigyang diin ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang kahalagahan ng mga serbisyong handog ng “Negosyo Center” sa mga Pangasinense.

Ito ang inihayag ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI kung saan sa ngayon ay may pitong “Negosyo Center” na ang lalawigan.

Sinabi pa ni Dalatin na pangunahing layunin ng pagtatatag ng Negosyo Center ay ang mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga micro entrepreneur.

Kabilang na aniya rito ang mas pinabilis na pagproseso ng business name registration, pagrenew ng business permit ng mga residente na nasa malalayong lugar.

 

Maliban dito, maaari narin umano rito ang pagproseso ng BAMBE o Barangay Micro Business Enterprices, pagkonsulta o pagkuha ng impormasyon na kailangan sa pagtatayo ng isang negosyo.

Speak Your Mind

*