“Adopt A Mountain”.., isusulong din ng provincial government ng Pangasinan

Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang pangangalaga sa mga coastal areas ng lalawigan.

Ito’y bahagi sa programa ng provincial government na Mangrove Reforestation Project kung saan isinagawa ang Mangrove Tree Planting sa bayan ng Bolinao.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Governor Amado T. “Pogi” Espino III, na mahalagang mamonitor at maalagaan ang mga itinanim na mangrove upang sa paglaki ay maging proteksyon ito ng kalikasan.

Maliban sa Mangrove Reforestation Project, isusulong din ng probinsya ang “Adopt A Mountain Project” upang mapangalagaan ang kabundukan at mabigyan ng kabuhayan ang mga nag-uuling.

 

Maliban dito, mahalaga rin naman ani Governor Espino na mabigyan ng livelihood project ang komunidad na malapit sa lugar upang mapangalagaan ang itatanim na fruit bearing trees.

Speak Your Mind

*