“Alahanin si Pawa sa mabuting pagkatao”–Susan Ople

Hindi isang kriminal kung di hardworking na OFW.

Ganito dapat alalahanin si Jakatia Pawa na binitay sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kaniyang amo noong 2007.

Ayon kay Susan Ople ng Blas F. Ople Policy Center Head, patuloy na kikilalanin si Pawa sa kaniyang tapang, matibay na paniniwala at pagiging inosente.

Iginiit rin ni Ople na inosente ang Pinay OFW dahil wala ni isa mang ebidensiyang mag-uugnay kay Pawa sa krimen.

Punto pa ni Ople, hindi Dna ni Pawa ang natagpuan sa deadly weapon na ginamit sa krimen.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si Ople sa naiwang pamilya ng OFW.

Speak Your Mind

*