Annual inventory sa mga firearms ng Pangasinan PNP, mahigpit na ipinatutupad

Dumaan na umano sa isandang porsyentong annual inventory ang lahat ng mga firearms na nasa pangangalaga ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation ng PPPO ay isinagawa sa pagpasok pa lamang ng taong 2017.

Mandato na aniya sa lahat ng mga Chief of Police ng PPPO na magsagawa ng inventory sa mga kagamitan na nasa kanilang pangangalaga lalo na kung may papalit na bagong hepe.

 

Maliban sa mga Police Station, mahigpit narin ang isinagawang inventory sa mga firearms sa Provincial At Regional Police Office.

Speak Your Mind

*