Bayan ng Natividad, maidi-deklara na bilang “drug free municipality” – PPO

Maliban sa bayan ng Sto. Tomas, inihayag ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO na anumang araw ay maidi-deklara narin ang bayan ng Natividad, bilang “drug free municipality.

Sa ginanap na KBP-Pangasinan Chapter Forum, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation na hinihintay na lamang sa ngayon ang certification mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1.

Ayon pa kay Candelario, magkakaroon lamang ng kaunting programa upang kilalanin ang mga nagawa ng LGU’S, Barangay Officials, at PNP sa ikina-tagumpay ng kampanya laban sa iligal na droga.

 

Posible naman aniyang makamit na ng Alaminos ang “drug free city” sa mga susunod na mga araw dahil isang lugar na lang dito ang “drug affected barangay.”

Speak Your Mind

*