Benjamin Alvez, nilinaw na di sila naging mag-on ni Glaiza de Castro

Nilinaw ni Benjamin Alvez na hindi sila naging mag-on ni Glaiza De Castro.

Pero hindi itanggi ni Benjamin na naging sobrang malapit talaga sila ni Glaiza sa isa’t isa.

Sa tingin din daw ni Benjamin ay maayos naman ang lahat sa pagitan nila ni Glaiza kahit na naudlot ang pagkakamabutihan nila.

Sinabi rin ng aktor na walang kinalaman ang napapabalita niyang girlfriend na si Julie Anne San Jose sa anumang nangyari sa kanila ni Glaiza.

Ayaw na rin aniyang pag-usapan pa ni Benjamin ang nakaraan.

Speak Your Mind

*