BFAR, palalakasin ang pag-aalaga ng bangus fry sa mga hatchery

Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na mabagal ang implementasyon ng program sa Pilipinas kumpara sa ibang mga karatig bansa.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, ang center chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Rosario, nakakalungkot aniya na ang Pilipinas noon ang nangungunang bansa sa research and development at nakapag-breed ng bangus ngunit ngayon ay tayo pa ang nag-iimport ng bangus fry.

Kaya upang mabawasan aniya ang pag-import ng bansa sa bangus fry, palalakasin ng pamahalaan ang pagkakaron ng malalaking hatchery para sa pag-aalaga ng similya ng bangus.

 

Pangangasiwasaan naman aniya ng gobyerno ang pag-aalaga Bangus Sabalo kung saan sila nalang ang magbibigay ng similya o itlog sa mga hatchery.

Speak Your Mind

*