BFP, tiniyak na marerespundihan ang sunog na posibleng mangyari sa Pangasinan

Tiniyak ng Bureau of Fire Protection o BFP na kaya nilang respundihan ang anumang sunog na posibleng mangyari sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni F/Insp Michael John Escano, Information Officer ng BFP-Pangasinan at Fire Marshall ng Calasiao na clustering town ang kanilang ginagawang pagrespondi sa sunog.

Ayon pa kay Escano, sakali mang magkaroon ng sunog sa bayan na wala pang fire truck, ang pinakamalapit na bayan na mayroong fire station ang agad na rerespondi dito.

Tiyak din naman aniya na mayroong sapat na komunikasyon ang lahat ng mga fire station sa Pangasinan.

Nabatid na umaabot na sa animnapu ang fire truck sa buong Pangasinan kung saan ilang bayan nalang ang walang sariling fire station.

Speak Your Mind

*